Count the color of the Rainbow
Uncategorized No Comments »
alam nating lahat na pito ang kulay ng bahaghari, kabisado natin ‘yun ‘di ba? ang acronym na ROYGBIV: red, orange, yellow, green, blue, indigo at violet respectively.
pero sa pagkakatitig ko sa rainbow, parang anim lang na kulay ang nakikita ko. hulaan mo ang hindi ko makitang kulay… <pause> <think> tama ka! indigo nga ang tinutukoy ko. dark blue ang ibig sabihin ng indigo, pero parang hindi tugma kung ibabase mo sa color wheel. alam natin ‘yan, recall your art class nung elementary.
namamangha lang akong pagmasdan.
ilang minuto ang lumipas, unti-unting nabubura ang mga kulay sa kalangitan. mula kanan patungong kaliwa, dahan-dahang nilamon ng hangin ng langit ang makulay na arko. hanggang sa mawala na… <pause> <hingang malalim *inhale* *exhale*> tuluyan na ngang nawala. <pause again> <think> kelan kaya uli ako makakakita ng bahaghari?