Komski Quotes Now Available at my Blog
Uncategorized July 20th, 2008Love Quotes :
Magpakalunod sa mga romantic love quotations na kinuha pa mula sa mga nakadisplay na Hallmark greeting cards sa may National bookstore at mga dashboard decoration sa mga dyip na papuntang Pantranco. Ito ay quoted sa mga taong nakalipas at nabubuhay pa. May gusto ka bang quote na wala dito? Email mo sa akin lahat.Just hit the love quote box at the right corner of my blog at my instant message kana, click the message to view other messages.
Copongcopong Pinoy Slang Dict.
Mga repapips, para sa mga mahilig sa burloloy sa kanilang saputin, dekwat na ng code para maging astigin sa mga tropa. Salamat nga pala sa pinagmulan ng listahan na ito, ang copongcopong pinoy slang dictionary. Na hindi ako sigurado kung online pa, paki-check naman tas sabihin mo sa akin kung andun pa.
Slang Pinoy Words :
Hindi pa kuntento sa copongcopong? Kung gayon ay baka para sa iyo ang bagong set ng slang words na nakuha sa bagong source. Paka-iingat lang dahil karamihan sa mga ito ay explicit, at paniguradong hindi magugustuhan ng nanay mo kapag nakita sa blog mo. At hindi lahat ay siguradong totoo, as of now, dahil kung lagi mo itong ginamit araw-araw sa pakikipag-usap sa mga kaklase’t kaibigan, edi magiging pinoy slang talaga. pinoyslang.com
Computer Quotes :
Isang computer geek? Narito na ang samu’t saring quotes na paniguradong makakarelate ka at sa mga ginagawa mo. Sawa na ba sa mga Big-O notations? Nabubuwang ka na ba sa walang hanggang pagdedebug? Magbasa na mga nakakatuwang quotes na sinabi mismo ng mga taong bumuo sa nalalaman mong computing industry.
Love Text Messages :
Mahilig magsenti? Lagi ka bang lugmok sa pag-ibig? Ito na ang kategoryang para sa iyo! Magpakababad sa mahigit 1000+ love text messages at kung may load ay ipadala na rin sa mga minamahal na hindi ka kayang mahalin nyahahaha! =(
Joke Text :
Para sa mga mahilig magpadala ng jokes sa mga pare, sa mga mare, sa mga brother, sa mga sister, ang lakas mo sa load. Kaya hinay-hinay muna sa pagtetext at sabihin mo sa kanila na basahin na lang ang mga ito sa aking Blog.
Silly Thoughts :
Wala ka bang mapili at umabot ka na sa dulo ng listahan? Kumuha ka na ng mga kaisipang talagang mapapaisip ka talaga kapag nabasa mo.
Anime Quotes :
Anime Ba kamo? Para sa mga mahilig sa anime, eto na ang babagay sa inyo hatid sa atin mula sa Anime Lives!. Hindi ko na sila nagawang i-dub sa tagalog dahil hindi ko kaya, hehe. Enjoy!
Harry Potter Quotes :
Pumayag na rin ang site na pinagkunan ko nito na gamitin ko ang harry potter quotes. Para ngang wala ata silang pakialam e, hehe. Sabi kasi bahala ako sa gusto ko, parang ganun, siyempre ingles nila sinabi.